Tinalakay ni idol Raffy Tulfo sa kaniyang programa sa Wanted sa Radyo ang kaso ng isang Grab driver na si Rey Tugade na sinuntok ng kaniya sanang pasahero na si Jan Jervie Mercado.
Related: Kaso Ni Grab Driver Reynaldo Tugade Inaksyonan Part 2
Ayon sa viral video, ginigiit ni Jan Mercado na pwedeng lima ang maisakay sa sasakyan ni Rey Tugade.
Subalit hindi pumayag ang driver dahil bawal ito sa patakaran ng Grab at doon na nagsimula ang iskandalo.
Tinawagan ni idol Raffy ang Operation’s Manager ng Grab Philippines na si Mr. Jack Tan at doon na kumpirma na dahil din sa patakaran ng LTFRB ay apat lang ang pwedeng isakay ni driver sa kaniyang sasakyan.
Makikita din sa video kung saan nagbanggit si Jan Mercado na siya ay isa din daw na Grab driver ngunit nung tiningnan ni Mr. Tan ang kanilang records ay wala siya sa listahan nila.
“Idol may maidagdag lang po kami kasi kini-claim ni Jan Jervie na Grab driver din siya also. Upon checking po sa system namin, hindi po siya driver. Wala po siyang record sa amin,” sabi ni Mr. Tan
Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong detalye ng kwento nila.