X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Lesbian Pinerahan Raw Niya Ang Kaniyang GF Na OFW Sa London | May 14, 2019

by | Posted on: May 14th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Si Mr. Wilfredo Velasco ay bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo para ireklamo ang nakarelasyon ng kaniyang Tita na isang OFW sa London.


Si Mr. Velasco ay tumatayong representative ni Ms. Eva Berja ang main complainant.

Ayon kay Eva, naloko daw siya ng isang babae na nakilala lamang niya sa social media.

Matapos siyang magpatahi ng pangkasal at mapadalhan ng pera ay bigla na lang siya iniwan ni Ms. Jelene Azote.

Hindi makapaniwala si Eva sa kaniyang nakarelasyon dahil nangako raw ito na hindi siya iiwan dahil mahal na mahal siya nito.

“Napaniwala mo ako na mahal na mahal mo ako eh. Sinabi mo pa nga kahit mamatay yung anak mo at saka mamatay na yung buong pamilya mo sabi mo ako lang ang mahal na mahal mo,” sabi ni Eva kay Jelene.

“Pagkatapos bigla ko na lang makikita sa facebook ang dami mo palang lalaki,” pagdagdag ni Eva.

Subalit ang mas pinagkakasama ng loob ni Eva ay kung saan ang mga sponsors nila sana sa kasal ay nakapagpatahi na ng damit para sa supposed to be wedding nila.

“Lahat ng mga sponsors natin dito bumili na sila ng mga damit nila pang wedding nila,” sabi pa ni Eva.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.