Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Mabait At Walang Bisyo Na Mister Ipinagpalit Ni Misis Sa Tomboy | April 9, 2019

by | Posted on: April 9th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program
facebook share button twitter share button

Bumisita si Mr. Jaime Bierzo sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Aksyon sa Tanghali para ireklamo ang kaniyang misis na si Mrs. Bernadette Bierzo.

Ayon sa kaniyang sumbong ang misis nya raw ay sumama sa isang lesbian.

Nagpaalam raw sa kaniya ang kaniyang asawa para magtrabaho bilang isang kasambahay ngunit may nalaman si Jaime na hindi kanais-nais.

“Paalam niya sa akin mamasukan siya bilang kasambahay. Yung ginagawa niya palang dahilan pagpasok nagkikita pala sila niyan,” sabi ni Jaime.

Mas lalong lumakas ang kaniyang hinala na meron ngang ginagawang pagtataksil ang kaniyang asawa nang bigla na lang umuwi ito sa kanila na maraming dalang mga bagong gamit.

Sabi ng asawa niya sa kaniya bigay daw ng kaniyang amo pero si Jaime hindi basta na lang naniwala.

“Noon pa man may hinala na talaga ako sa kaniya eh. Isang linggo pa lang siyang namamasukan eh, nung umuwi siya marami ng dala-dalang kung ano-anong abobot,” paliwanag ng mister kay idol Raffy.

“Mga pabango, mga damit na magaganda. Tapos ang sabi niya sa akin ‘ito ibinigay ng amo ko’. Kaya nagtaka ako sa kaniya sabi ko tatlo kayong kasambahay, yung dalawa matatagal na ikaw isang linggo pa lang namamasukan kompleto ka na agad sa gamit may boots ka pa kako,” pagdagdag pa ni Jaime.

Panooring ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.

Leave a Reply