X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action (Part 1): Magso-sorry At Luluhod Si Sir Kay Misis Para Iwas Kulong | September 5, 2019

by | Posted on: September 5th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Si Mrs. Michelle Ann Andaya ay bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para ireklamo ang kaniyang asawa.

Related: Magso-sorry At Luluhod Si Sir Kay Misis Para Iwas Kulong Part 2


Ayon sa kaniyang sumbong, ang kaniyang mister na si Mr. Rey Andaya na isang titser ay meron nang ibang babae at iniwan din daw siya nang mag-isa sa mga utang nila.

Itinanong ni idol Raffy kung may ebidensiya si Michelle na magpapatunay na ang kaniyang asawa ay meron ng ibang babae.

“Meron po akong kasulatan na nagkabayaran po sila nung asawa nung babae para hindi po sila makasuhan,” sabi ni Michelle.

“Meron din po akong mga proof, meron po silang couple ring, text po nung babae, text nya po sa akin na inamin po nila na may relasyon po sila,” sabi pa niya.

Ang gustong tulong na hinahanap ni Michelle mula sa show host ay makasuhan ang kaniyang asawa dahil sa kaniyang pambabae.

Tinawagan sa telepono si Rey para siya ay makapagbigay din ng kaniyang panig. Sa pakikipanayam sa kaniya ay nagsabi ito na willing siyang mag-public apology kay Michelle at luluhod in national TV para lamang i-urong ng kaniyang misis ang pinaplanong demanda.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong detalye ng kanilang kwento.