Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Makamandag Na Ganda Ni Girl Ginagamit Sa Pang-akit Ng Mga Seaman? | January 29, 2019

by | Posted on: January 29th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program
twitter share button

Si Mr. Pol Pareno na nagtratrabaho bilang isang seaman ay bumisita sa programang Wanted sa Radyo para ireklamo ang kaniyang girlfriend na mahilig daw makipag-relasyon sa mga seaman.

Gusto ni sir Pol na makuha ang mga pera na kaniyang pinadala kay Ms. Maricel Irorita kasama na ang cellphone.

Tinanong ni idol Raffy ang kaniyanag panauhin kung mga magkano ang halaga ng pera na kaniyang pinapadala sa kaniyang girlfriend.

“Malaki po yun,” sagot ni Mr. Pareno.

“Tulad nga lang po ng mga remittance nga lang po ngayon umaabot po siguro mga 12,000 USD,” pagdagdag pa niya.

May mga dalang resibo si Pol para patunayan ang kaniyang alegasyon.

Ang kinakasama ng loob ni Mr. Pareno ay ang panloloko na ginawa ng kaniyang kasintahan dahil meron pala itong ibang mga lalaki at ang trabaho ay seaman din.

Maliban dun meron din daw isang lalaki na taga Romania at nagpakasal pa ang GF nya dun.

Panooring ang video sa taas para malaman ang buong detalye.

Leave a Reply