Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Matteo Guidicelli Ipina-Tulfo Ni Jerry Tamara Ang Bodyguard Ni Sarah Geronimo

by | Posted on: February 24th, 2020 | No Comments | Entertainment
twitter share button

Si Mr. Jerry Tamara bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo sa “Aksyon sa Tanghali” para ireklamo ang ngayong asawa ni Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli.

Ayon sa kaniyang reklamo, sinuntok daw siya sa lalamunan ni Guidicelli noong araw ng kasal nila ni Sarah ni idinaos sa isang hotel sa may Bonifacio Global City.

Para kay Jerry ginagawa niya lang ang kaniyang trabaho bilang isang close-in security ni Sarah G.

Sabi ng complainant, pinapauna na daw sila ng pop star nung gabing iyon. Subalit, dahil ang kaniyang diretsong amo ay si Mommy Divine (ina ni Sarah) tinext niya ito para kumuha ng instruction.

Ang sagot ng ina ng bride, huwag daw sila umalis dahil malapit lang siya sa venue ng reception.

Nangyari raw ang panununtok nung paalis na si Sarah at Matteo sa hotel. Ang utos ni Jerry mula kay mommy Divine ay sundan sila at huwag daw ito hihiwalayan.

“Tapos nung sinundan ko na tinawag ko si ma’am Sarah. Ma’am pwede po ba kayo umalis kausapin po muna ang mommy niyo,” sabi ni Jerry.

“Sabi nung lalaki (Matteo) sa akin ‘wag kang makialam dito asawa ko ‘to. Sabi ko sir hindi naman ako nakikialam gusto ko lang po bago umalis yung si ma’am Sarah mag-usap po muna yung mag-ina. Dun na niya ako binanatan dito,” sabi pa niya.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong detalye ng kwento nila.

Raffy Tulfo In Action: Matteo Guidicelli Ipina-Tulfo Ni Jerry Tamara Ang Bodyguard Ni Sarah G

Leave a Reply