Mag-ina na lumuwas pa galing sa Palattao, Naguilian, Isabela ang bumisita sa programa ni idol Raffy sa Wanted sa Radyo para ireklamo ang isang guro.
Ayon sa kaniyang sumbong, ang anak niya na babae na 14-years-old ay kinunan daw ng video na hubo’t hubad at hinalay pa. Gusto ng nanay na makasuhan ang titser dahil sa kaniyang di makatarungan na ginawa.
Hindi raw ito ang unang pagkakataon na ginawa ng titser na nagtuturo sa Palattao Naguilian Isabela Elementary School bagkus ito’y pangatlo na daw.
Nalulusotan daw ng guro ang mga reklamo laban sa kaniya dahil daw inaareglo niya ang mga magulang ng mga bata.
“Yang si sir Lito sir mga ilang barangay na ang ginawa niya yan sa mga estudyante niya. Nakapangatlong kaso na yan sir nalulusotan nila sir,” sabi ng Nanay na nagrereklamo.
Tinanong siya ni idol Raffy kung ang ano ang paraan ng guro para malusotan niya ang mga reklamo.
“Siguro inaano nila sir tawag nito sir binabayaran nila yung mga magulang,” sagot ng Nanay ng minor.
Pinangako-an sila ni idol Raffy na sila’y tutulongan sa kaso basta hindi din sila paareglo.
Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.