Si Ms. Danielle Nuñez bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Aksyon sa Tanghali para ireklamo ang kinakasama ng kaniyang ate.
Ayon sa kaniyang sumbong, nahuli raw ng kaniyang nakakatandang kapatid na si Danica Nuñez ang kaniyang live-in partner na si Ryker Grieco Shafer na may kasama na ibang babae sa kwarto.
“Pag-uwi nya po sa bahay hindi nya po pinasabi na uuwi na siya talaga. Tapos nahuli nya po na may kasamang ibang babae yung Ryker sa mismong kwaro nya po,” pagpapaliwanag ni Danielle kay idol Raffy.
Subalit ang pinakarumal-dumal na pangyayari ay noong pumunta sa bahay ni Danica si Ryker.
Una parang ok na sila ayon kay Danielle pero pagkaraan lamang ng ilang sandali ay nagtext si Ryker sa nanay nila dahil sa may nagawa itong hindi maganda.
“Ano ang sabi sa text?” tanong ni idol Raffy sa panauhin.
“Si Ryker nag-text, patawarin niyo ako balikan niyo si Danica napatay ko,” sagot ni Danielle.
Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong detalye ng kwento nila.