X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Misis Gustong Ipakulong Ang Di Umanong Mapanakit Na Mister | July 20, 2019

by | Posted on: July 20th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Dumolog sa Wanted sa Radyo sa programa ni idol Raffy Tulfo Si Ms. Hilda Antiado at tatlong anak para ireklamo ang kanyang asawa.

Ayon sa panayam kay Ms. Hilda, gusto nyang ireklamo ang mapanakit niyang asawa at hindi pa raw ito nagbibigay ng sustento sa kanila.

Bukod sa kulang na binibigay na sustento ni Mr. Lyndon nakadanas din raw ng pananakit yung kanilang panganay na anak. “alam nyu po sir sa tutuo lang po yung mga anak ko ₱300 lang po yung binibigay niya araw-araw sa mga anak ko, isang graduating, isang grade 6, isang grade 3. Panganay namin nakaranas ng bugbug yan pati aku binugbug din niya sir. Hindi kuna po siya nereklamo, ang hinihingi kulang po sir yung mabigyan lang kami ng sustento at bahay namin matitirahan.”

Hindi rin alam ni misis ang dahilan nang pambubugbug ng asawa. “inuntug niya yung ulo ku sa pader, gusto ku nalang nga sana ikulong nalang nga yung asawa ku kasi ayaw nya rin po magsuporta sa amin, tinitingi nya po kami.”

Ayon sa panayam sa panganay na anak ni misis, okay lang daw na makulong ang kanilang ama. “okay lang naman po sa akin na makulong si papa kasi po sumubsubra na po siya ehh, kulang na nga lang po mamatay si mama sa bugbug ni papa ehh, inuntug nya din po si mama sa pader at pinag-hahagis ng kabinet.”

Gusto ng panganay na anak na ipakulong ang kanyang ama pag hindi raw ito magbigay ng sustento.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.