Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Misis Iniwan Si Mister Kapalit Si Koreano | February 20, 2019

by | Posted on: February 20th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program
facebook share button twitter share button

Si Celso Legaspi nagtungo sa programa ng Wanted sa Radyo para ireklamo ang kaniyang misis na marami daw itong lalaki.

Ayon sa kaniyang sumbong, ang misis daw niya na si Rochelle Legaspi ay maliban na sa kinakasama niyang Koreano marami pa daw itong lalaki.

Ayon sa kanilang istorya, tila nagkahiwalay na ang mag-asawa dahil meron na silang kasundu-an sa kanilang barangay.

Ngunit ang inaalala ni Celso ay ang kaniyang 13-anyos na babaeng anak.

Ayon sa mister, may nalaman raw siya na merong kasamang konsehal ng barangay ang kaniyang misis sa kaniyang bahay at doon pa sila nag-iinoman.

“Bakit may pinapapasok ka dun na na lalaki na konsehal pa ng barangay tapos umiinom kayo lasing kayo parehas madalas yun, ‘di mo inaalala anak mo paano kung tulog na tulog ka na at lasing naman yung kasama mo,” tanong ni Celso kay Rochelle.

Maliban pa dun, naglabas din ng hinanakit ang mister sa relasyon ng kaniyang misis sa isang Koreano. Ayon sa complainant, asawa na raw ang turing ni Rochelle sa lalaking yaon.

May nakuhang ebidensya si Celso kung saan ang tawag ni Rochelle sa kaniyang boyfriend ay “asawa ko”.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang detalye ng kanilang istorya.

Leave a Reply