Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Misis Live Na Nahuli Na Merong Kalaguyo | February 20, 2019

by | Posted on: February 20th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Si Luis Cobrero at Raquel dela Cruz nagtungo sa programa ng Wanted sa Radyo para ireklamo ang amo ni Raquel dahil sa pagbabanta.


Maliban pa dun, gusto din ni Raquel na makuha ang kaniyang mga gamit sa kaniyang pinagtratrabahuhan.

Habang ang dalawa ay nagpapaliwanag ng kanilang sumbong, si idol Raffy ay tila naguguluhan kasi parang hindi tumutugma ang kanilang salaysay.

“Eh diba ang sabi ng amo kala ko sabi ni ma’am eh yung amo ayaw na siyang pabalikin tapos ngayon sabi ng amo sa’yo (kay Luis) eh pag ‘di mo binalik papatayin ka?” mga pagpapalinaw na tanong ni idol Raffy sa dalawang complainant.

Para makuha din ang side tinawagan ng show host si Bon Betia and assistant ni Gladwyn Gomez ang sinasabing amo ni Raquel.

Doon nalaman na si Raquel pala ay merong legal na asawa sa kanilang probinsya at meron pa itong apat na anak.

“Heto po yung babae sir may asawa po to legally apat ang anak,” sabi ni Mr. Betia.

“So, kaya nagalit po yung boss ko na pinagalitan yung lalaki na yan dahil naawa siya sa asawa. Kasi yung umiiyak po tuwing tumatawag sa amin dito,” pagdagdag pa ni Bon.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang detalye ng kanilang istorya.