X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Misis Naging Karelasyon Ang Dating Classmate, Mister Nangagalaiti | May 3, 2019

by | Posted on: May 4th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Si Mr. Quirico Catahum bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para ireklamo ang kanyang misis na isang OFW na nagtratrabaho sa Abu Dhabi, UAE.


Ayon sa kaniyang reklamo, ayaw na daw siyang kausapin ni Mrs. Eleonor Catahum at di na daw ito tumatawag sa kaniya.

Nung January 7 umuwi daw sa Pilipinas ang kaniyang asawa para magpa-opera pero imbis na siya dapat ang makipagkita nagtungo si misis sa dati niyang kaklase na si Romy Rixamara.

“Umuwi yan dito sir January 7 nagpa-opera di nagpa-alam sa amin. Ngayon nagulat kami na nandito na pala siya. Sinundo daw nung lalaki sa airport,” sabi ni Quirico.

Tinawagan ni idol Raffy si Eleonor sa Abu Dhabi para siya naman ay makapagbigay ng kaniyang panig.

Dito inamin ng asawa ni Quirico na naging karelasyon nga niya si Romy sa loob ng dalawang buwan.

“Ako po’y nakipag-chat sa kaniya dati ko po siyang kaklase. Ngayon ho wala na po talaga kung baga mali po sir at ako po’y nakipag-chat hanggang sa humantong po kami sa ako po’y nakipaglive-in sa kaniya sir,” pagpapaliwanag ni Eleonor.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.