X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Misis Sustento Ang Hiling Mula Sa Mister Pero Si Idol Raffy Pangkabuhayan Ang Ibinigay | August 28, 2019

by | Posted on: August 28th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Si Mrs. Rebecca Subrijano ay bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para humingi ng tulong na makausap ang kaniyang mister.


Si Rebecca ay galing pa sa isang barangay sa Siargao para ireklamo ang kaniyang mister na ang sustento ay hindi sapat para sa kaniyang apat na anak.

Ang kaniyang asawa na si Mr. Michael Subrijano ay nagtratrabaho bilang isang Call Center agent at ayon sa kaniya below minimum ang kaniyang sinasahod.

Hindi naman pinaniwalaan ni idol Raffy dahil para sa show host ang pinakamababang sahod ng isang Call Center ay nasa 25K pesos.

Nang makita ni idol Raffy na parang hindi na magkaunawaan ang mag-asawa kinausap niya si Rebecca at nag-alok ng pangkabuhayan.

“Ano pa ho ang alam niyo na ibang negosyo?” tanong ni idol Raffy sa kaniyang panauhin.

“Sari-sari store,” sagot ni Rebecca.

Pinasamahan ng show host sa isa sa mga kaniyang reporters patungo sa Siargao para tuparin ang kaniyang naging pangako.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong detalye ng kwento nila.