Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Mister, Di Lang Nambabae, Nanlalaki Pa? | March 25, 2019

by | Posted on: March 25th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program
facebook share button twitter share button

Si Mrs. Bernadette Heyan kasama ang kaniyang anak na si Epifanny Heyan ay bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo na Wanted sa Radyo para ireklamo ang kanilang haligi ng tahanan.

Ayon sumbong ng mag-ina, ang tatay ng kanilang pamilya na si Mr. Gerwin Heyan ay pumapatol daw sa kapwa niya lalaki at hindi din daw ito nagbibigay ng tamang sustento.

Maliban pa dun, nakabuntis din daw itong si Gerwin sa ibang babae.

“Unang-una hindi nagbibigay ng tamang sustento iyon naman talaga ang main purpose nila,” pagpapaliwanag ni idol Raffy.

“Pangalawa is eh may nabuntis ngayon nagsawa na sa babae lalaki naman parang ganun ata,” pagpapaliwanag pa ni Mr. Tulfo.

Subalit ang lahat ng mga paratang na iyon ay tinatanggi ni Gerwin.

Nagkaroon ng harapan ang dalawang panig sa loob ng studio ng News5. Si Gerwin ay may kasama din na anak niyang lalaki.

Inumpisahan kaagad ni idol Raffy ang pagtatanong para mabigyan liwanag ang kanilang reklamo. Isa sa mga tanong na iyon ay kung bayaran ba si Gerwin.

“Yung pamamakla mo raw, sabi po nila hindi po galing sa akin ‘to. Kaya mo raw mo sila nabigyan ng magandang buhay dahil sa pamamakla mo. So ibig sabihin bayaran ka raw. Bayaran ka ba sir?” tanong ni idol Raffy sa ininireklamo.

Panoorin ang video sa itaas para malaman ang kanilang buong istorya.

Leave a Reply