Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Mister Ipinagpalit Ng Kaniyang Misis Sa Isang Ex-Convict? | February 19, 2019

by | Posted on: February 19th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program
facebook share button twitter share button

Si Mel Jude Abo-Abo ay bumisita sa programa ng Wanted sa Radyo para ireklamo ang kaniyang misis.

Ayon sa reklamo sumama na raw ang kaniyang misis sa iba at iniwan na siya ng lubusan kasama ng kaniyang anak.

Ayon sa sa istorya ni Mel Jude, sa kasalukuyan buntis ang kaniyang misis na si Lyngen Abo-Abo sa kaniyang kinakasama na umanoy isa raw na ex-convict.

Gusto ni Mel Jude na iwan ng kaniyang misis ang kalaguyo nito at bumalik na sa kanila para mabuo ulit ang kanilang pamilya subalit si Lyngen ay di pa handa at pag-iisipan pa nya.

Itinanong ni idol Raffy Tulfo sa misis ng complainant kung ano ang meron sa kaniyang kinakasama na wala sa kaniyang legal na asawa.

“Pinaramdam niya lang po sa akin ang ‘di pinaramdam ng asawa ko,” sagot ni Lyngen.

“Hindi niya po ako pinagsasalitaan ng masama, ‘di niya po ako sinasaktan,” pagdadag pa ni Lyngen.

Ayon sa programa, si Mel Jude at si Lyngen Abo-Abo ay legal na mag-asawa at dahil buntis si Lyngen at iba ang tatay ay puwede itong gawing ebindensta para siya’y kasuhan ng kaniyang mister.

Pwede siyang makulong kasama ang kaniyang bagong boyfriend.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang detalye ng kanilang istorya.

Leave a Reply