Si Mrs. Perlita Diocton ay bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para ireklamo ang kaniyang mister.
Ayon sa kaniyang sumbong ang kaniyang mister na si Mr. Edwin Diocton ay merong kabit at ito daw ay asawa ng kaniyang pinsan.
Ang gustong mangyari ni Perlita ganoon din ang kanilang anak na si Erlinda Diocton ay patuloy magbigay ng sustento sa kabila ng pangangaliwa ni Edwin.
Samantala ang ama ng kanilang tahanan ay gustong makipag-ayos.
Binigyan ni idol Raffy si Edwin ng pagkakataon na makapagsalita at kumbinsihin ang kaniyang asawa na tanggapin siya ulit.
Subalit habang siya’y nagpapaliwanag meron siyang nabanggit na mas lalo pang dumiin sa kaniyang sitwasyon.
“‘Di naman natin sir maiiwasan kasi yung babae ‘di ko naman binahbahay yung parang pagkadating ko lang sa Maynila ganoon lang magkita-kita parang ganoon lang ‘yun,” sabi ni Edwin.
“Petix-petix lang ganoon, pag-punta mong Maynila?” tanong ni idol Raffy sa kaniya.
Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong detalye ng kwento nila.