X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Mister Mag-Ala Keanu Reeves Para Mailagan Ang Mga Kutsilyo Ni Ini-Spin Ni Misis | May 7, 2019

by | Posted on: May 7th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Si Mr. Reynoso Licayan bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para ireklamo ang kanyang misis na isang OFW na nagtratrabaho sa Jeddah, KSA.


Ayon sa kaniyang reklamo, ang itinuturing niyang asawa na si Airene Ritas ay magpapakasal na sa iba.

Alang-alang sa kanilang apat na anak, minabuti ni Reynoso na makipagbalikan kay Airene.

Subalit si Airene naman ay ayaw na talagang sumama ulit sa naging panauhin ng programa at inamin din niya na magpapakasal na nga siya sa iba dahil matagal na rin daw silang magkahiwalay.

“Three years na po kaming hiwalay hindi po kami kasal ano po ba problema niya?,” sabi ni Airene nung na interview siya via telephone.

“Kahit ano pa po ang gawin niya hinding, hinding, hinding, hinding, hindi na po ako makikipag-ayos sa kaniya,” sabi pa ni Airene.

Seryoso talaga ang nakalive-in partner ni Reynoso sa kaniyang pakikipaghiwalayan at meron pa itong matinding pagbabanta.

“Mapapatay ko po siya talaga sir, isang beses na i-spin ko siya buti nga hindi siya tinamaan eh,” sabi ni Airene.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.