Si Nanay Constancia Ewican bumisita sa programa ni idol Raffy sa Wanted sa Radyo para ireklamo ang umano’y “step mother” ng kaniyang mga apo.
Ayon sa kaniyang sumbong, si Mary Jen Delema na karelasyon ngayon ng kaniyang anak ay sinasakatan ang mga bata.
Sabi pa ni Nanay Constancia ang ATM card daw ng kaniyang anak na si Ronald Ewican ay nasa kaniyang bagong girlfriend at dahil dun hindi na makapagbigay ng sustento sa mga bata.
Subalit habang lumalalim ang pakikinayam sa mga bisita ni idol Raffy sa studio napansin niya na tila ang pagkakamali ay nasa kay Ronald.
Sapagkat habang nagtratrabaho si Alona ang ina ng kaniyang mga anak sa Kuwait ay nagawa niyo itong lokohin at ang mas matindi pa ay dinala niya pa ang mga bata kay Mary Jen.
Tinanong si Ronald ni idol Raffy kung matagal na ba silang nagsasama at tila ikinagulat ng show host ang sagot ng kaniyang panauhin.
“Sir Ronald totoo naman nagkaroon kayo ng relasyon ni Mary Jen?” sabi ni idol Raffy.
“Opo sir magte-three years nga kami sir eh, ay two years po kami mahigit,” sagot ni Ronald.
“Proud na proud ka pa, eh tinaraidor mo si Alona,” sabi ni idol Raffy.
Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.