X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Muntik Nang Maging Broken Family Pero Napag-Ayos Ni Idol Raffy, Happy Ending Sila Tuloy

by | Posted on: September 12th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Si Mrs. Kharent May Pardillo ay bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para humingi ng tulong na makausap ang kaniyang mister at magkabalikan na sila.


Ayon sa kaniyang sumbong ang kaniyang asawa na si Mr. Alfred Pardillo ay umuwi mula sa ibang bansa pero imbis na sa kanila umuwi ibang bahay inuwi-an nito.

Ang dahilan daw kung bakit sila nagkahiwalay ay dahil sa mga paninira laban sa kaniya ng mga tao sa kanilang lugar.

“Kasi po ang pinagsimulan po kasi niyan mga naninira po sa lugar namin,” sabi ni Kharent.

“May lalaki po daw ako na ganyan,” sabi pa niya.

Nagkataon na nasa studio din ng TV5 ang kaniyang asawa para harapin ang kaniyang misis.

Pagkasalang sa kaniya diretsahan na siyang tinanong ni idol Raffy kung ano na nga ba ang status na kanilang relasyon at kung may pag-asa pa.

“Si ma’am pumunta rito at sinabi niya sa aming research team, gusto niya ng makipagbalikan sa’yo gawa nitong meron ka namang anak sa kaniya. Ikaw raw ay umaasim na at naniniwala ka sa mga tsismis-tsimis, ano ba ang status po ninyo ngayong dalawa ngayon ninyong samahan?” tanong ng show host.

Panoorin ang naging sagot ni Alfred sa video na nasa itaas at ang buong detalye ng kwento.