Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Pamilya Ni Kristoffer Galorio, Ang Nawawalang Seaman Dismayado Sa Usad Ng Kanilang Kaso | January 28, 2018

by | Posted on: January 28th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program
twitter share button

Pamilya ng nawawalang seaman na si Kristoffer Galorio ay dismayado sa usad ng kanilang kaso kaya dinulog na nila ito kay idol Raffy Tulfo.

Si Ms. Arlene Estrada ang tumayong representative at isinalaysay nya ang mga detalye.

Ayon sa kaniya, isang buwan na ang nakakalipas pero wala pa ding konkretong report ang shipping lines kung ano talaga ang nangyari.

Para sa kanila, buhay si Kristoffer pero ang mga taga BW Shipping Lines ay parang nagpapahiwatig na wala na ang kanilang kaanak.

“Ang masakit lang sir kino-condolence na nila kami,” sabi ng nanay ni Kristoffer na si Aniceta Galorio.

“Kino-condolence na kayo pero hindi pa alam kung talagang patay na o hindi? Whhooowwww!,” sabi ni idol Raffy.

Pero bwelta naman ng spokesperson ng BW Shipping Phils., Inc. wala pa namang final na konklusyon at di niya alam kung sino ang nagsabi nung ganoong statement.

“Di ko mako-confirm yan basta ang alam ko sinabi nila ‘We are very sorry for the loss’, I did not say that I don’t know who said that,” paliwanag ni Gina Virtucio.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong detalye.

Leave a Reply