X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action (Part 1): Misis Niya Na May Anak Raw Sa Kaniyang Kumpareng Manager | May 18, 2019

by | Posted on: May 18th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Si Mr. Aljune A. Barrios bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Aksyon sa Tanghali para ireklamo ang kaniyang misis na isang Site Engineer.


Ayon sa kaniyang sumbong, ang asawa niya na si Benz Daoa ay meron daw itong kabit at hindi lang iisa kundi dalawa pa.

Hindi man daw tukoy ni Aljune kung pinagsabay ng kaniyang misis naging karelasyon ang mga managers nila na sina Jefrey del Pilar na isang Safety Manager at Marshall Damong na nagtratrabaho bilang Plant Manager.

Ang dalawang managers na iyon ay mga kumpare din ni Aljune at Benz.

Nalaman niya raw na may karelasyon ang kaniyang asawa dahil nalaman niya na ang kaniyang mga kumpare ay nagaway-away at ang ugat ay ang kaniyang asawa.

“Yung dalawang manager pala angaway-away sila parang nagkakaonsehan kumbaga. Kasi pinagsabay pala ni Benz yung si Damong at si del Pilar,” sabi Aljune.

Itinanong din siya na idol Raffy kung meron silang anak. Sagot ni Aljune ay meron pero may duda siya na hindi kaniya ang bata.

“May isang anak po sir na sad to say sir hindi ko pa rin ma… Nagtiwala ako na anak ko to and then all of the sudden may mga issue-issue,” paliwanag ni Aljune.

Hindi raw siya sigurado na bata sa kaniya dahil nag-desisyon ang kaniyang misis na hindi ito ipinangalan sa kaniya.

“Kasi hindi po ipinangalan sa akin eh. Tsaka yung asawa ko hindi po apelyido ko ang dala niya,” sabi pa ng complainant.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.