Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: (Part 1) Mister At Kabit Ginawang Motel Ang Cellphone Repair Shop | February 16, 2019

by | Posted on: February 16th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program
facebook share button twitter share button

Si misis Melissa Gamba bumisita sa programa ng News5 Aksyon sa Tanghali para ireklamo ang kaniyang mister na si Andro Gamba.

Ayon sa reklamo ni Melissa, ang kaniyang mister ay di na nagbibigay ng kaniyang sustento.

Ang ugat daw ng problema nilang mag-asawa ay ang kabit ni Andro na si Janice Castro.

Tinawagan ni idol Raffy ang sinasabing kalaguyo ng mister ni Melissa para makuha din ang kaniyang panig.

“Hindi naman ho siguro masama ang magmahal. Alam ko po na nasa mali ako,” sabi ni Janice.

Habang siya’y nagsasalita, napatawa na lang si idol Raffy.

Habang lumalalim ang kanilang pag-uusap, naungkat na ginagawa palang motel nina Janice at Andro ang cellphone shop kung doon nagtratrabaho ang kaniyang mister sa may Iloilo.

“‘Di ba nasa shop ka ngayon ni Andro, ginagawa nyo ng motel ang shop,” sabi ni Melissa.

Pero para kay Janice, di daw totoo kasi nakikitulog lang naman sya doon.

“Grabe ka naman makapagsalita, ‘di ba pwede nakitulog dito,” sagot ni Janice.

Napatawa ulit si idol Raffy sa kaniyang narinig mula sa kabit ni Andro.

“Nakikitulog daw eh di ganun din,” sabi ni Mr. Tulfo.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong detalye na kanilang istorya.

Leave a Reply