Si Mr. Muhammad Arslan Athar ay bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Aksyon sa Tanghali para ireklamo ang kaniyang naging karelasyon na Pinay sa Dubai.
Ayon sa kaniyang reklamo, pinerahan at niloko daw siya ni Rose Corazon Mataac.
Umabot na daw sa 3.5 milyon pesos ang kaniyang naibigay sa kaniyang dating nobya na nangakong hiwalayan ang kaniyang mister sa Pilipinas at magpapakasal sa kaniya.
Subalit ang kaniyang dating kasintahan ay naglaho na lamang daw na parang bula.
“It was actually in 2017 when the annulment was done. After annulment was done she changed her mind and she starts pushing me away,” sabi ni Muhammad.
Ayon pa sa kaniya, nang dahil sa pera na naibigay niya na tuloy ang annulment ni Rose sa dati niyang asawa.
Sa kasulukayan, si Rose ay nakauwi na bansa at ito ngayon ang dahilan kung bakit nandito din si Muhammad sa Pinas.
Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.