X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action (Part 1): Si Husband Binubogbog Daw Ni Wifey? | July 31, 2019

by | Posted on: August 1st, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Si Mrs. Josefina Santos ay nagsadya sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para humingi ng tulong na ma rescue ang kaniyang anak na lalaki mula sa kaniyang asawa.


Ayon sa kaniyang sumbong ang kaniyang anak na si Jo Christopher Gomez ay binubogbog daw ng kaniyang asawa na si Erica Gomez.

Ayon kay nanay Josefina hindi daw pinapatulan ng kaniyang anak si Erica kasi iniiwasan niya na siya’y makasohan.

“Hindi lang po siya pinapatulan ng anak ko kasi nga po kapag nagkapasa siya irereklamo niya naman sa VAWC. So wala naman laban ang anak ko pagdating sa VAWC dahil nga po ang papanigan ay siya,” sabi ni Mrs. Santos.

Napanayam din ni idol Raffy ang mag-asawa at naitanong ng show host kay Jo Christopher kung ano ang kadalasang pinag-aawayan nilang dalawa.

“Una pera po tapos bayarin sa bahay mga ganun-ganun lang po. Tapos mga gawain lang po sa bahay sir,” sagot ni Mr. Gomez.

Nakausap din ni idol Raffy ang asawa na si Erica at doon nalaman na may mga kaso na pa lang naihain si Mrs. Gomez laban kay Jo Christopher.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang kanilang buong istorya.