X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action (Part 2): Baby Sitter Nirereklamo Dahil Sa Pangmomolestya | August 7, 2019

by | Posted on: August 7th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Heto na ang pinakaabangan na Part 2 ng istorya ng isang baby sitter na sinampahan ng kaso ng kaniyang mga amo.


Matutunghayan sa Part 2 ng video na ito ang paghaharap ulit ng dalawang panig pero sa pagkakataon na ito hindi na ere sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo.

Dito naglabas ulit ng sama ng loob ng ama ng bata na minolestya umano ni Limay.

“Nag-iisang anak ko lang pagkatapos gaganyanin pa niya. Eh kung pinalo mo lang ang anak ko o ano mapapatawad pa kita pero sa kahayopan na ginawa mo sa anak ko kung anong impact nang nagawa sa anak ko,” sabi ni Gloy Dex.

Dahil din daw sa nangyari na pangmomolestya ni Limay nagkaroon ng negatibo na resulta sa kaniyang anak.

“Marami nakakapansin na nag-iiba na ang anak ko kung alam mo lang yan Limay. Habang buhay dadalhin ng anak ko yung ginawa mo,” sabi pa ng ama ng bata.

Matutunghayan din sa episode na ito ang pag surrender kay Limay sa mga pulis mula sa studio ng TV5 hanggan sa kulungan.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.