Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action (Part 2): Lesbian Pinerahan Raw Niya Ang Kaniyang GF Na OFW Sa London | May 16, 2019

by | Posted on: May 16th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Si Ms. Jelene Azote ay bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para makausap ang kaniyang naging karelasyon na babae sa London.


Sa pagkakataon din na yun ay sinagot din ni Jelene ang paratang sa kaniya lalo na yung 1 milyon daw na nakuha niya kay Ms. Eva Berja.

Sabi ni Jelene mga nasa 40,000 pesos lang daw ang napaidala sa kaniya kasama na dun ang cellphone.

“Kasama po yung regalo niya sa akin na cellphone siguro mga nasa around 40,000 yung nasa kwenta po, naka-print po yun,” sabi ni Jelene.

Sinagot din na Jelene hinggil doon sa planong kasal nila sa UK kung saan ang mga sponsors nila ay nakapatahi na ng kani-kanilang mga damit.

“Yung sinasabi niya pong kasal although hindi ko po naman alam na nagpaplano na pala siya na nakapagpatahi na pala ng mga wedding gown, na mga dress yunh mga abay dun. Hindi ko po talaga yun alam,” paliwanag ni Jelene.

Si Ms. Eva naman ay gusto niyang makita na sincere talaga si Jelene sa kaniyang pag public apology.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.