X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action (Part 2): Nanay Na Sinampal Ng Tsinelas At Kaniyang Mga Anak Nagkaharap Na Sa Barangay | May 2, 2019

by | Posted on: May 3rd, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Heto na ang Part 2 ng istorya ni nanay Maria Magdalena Austria at paghaharap niya sa kaniyang mga anak sa Barangay Hall ng Bolbok sa may Batangas City.


Kahapon na tapos ang Part 1 video na may katanungang: “Patatawarin ba ni Nanay ang kanyang mga malditang anak lalo pa ang bunso na walang modo, o sila’y palalayasin na?”

Sa pagkakataong ito mapapakinggan naman natin ang mga saloobin ng mga anak. Si Irish Gryszel Galon ay willing naman na umalis sa bahay pero gusto sana makita ng nanay niya ang kaniyang naitulong sa pagpagawa nito.

Ipinaliwanag niya din kay Nanay Maria Magdalena kung paano siya naging mabuting anak at ate sa kaniyang bunsong kapatid.

“Ang sa akin lang naman ang naipundar ko sana nakita niyo na tinulungan ko kayo na ako ang nagpa-aral sa bunso kong kapatid. Naging mabuti akong anak alam ko yun,” sabi ni Irish.

Si Kren naman ipinaliwanag niya din kung bakit niya nagawa na sampalin ng tsinelas ang kaniyang ina.

“Hinabol niyan ako sa underground binato niya ako ng sapatos. Nag-init ako siyempre,” sabi ni Kren.

Pagkatapos na maraming paliwanagan ng magkabilang panig, ang reporter na ipinadala ng Raffy Tulfo In Action ay may isang tanong sa magkapatid kung saan tila nahirapan silang sagutin.

“Iyong nanay ho ba ninyo eh mahal po ninyo?” tanong ng reporter.

Medyo natagalan ang magkapatid na sagutin ang tanong kaya si Nanay Maria Magdalena na lang ang sumagot.

“Yan ako na ang sasagot. Sa mahirap na pagsagot ibig sabihin wala na silang respeto sa akin,” sabi ng nanay ni Irish at Kren.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.