X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action (Part 2): Online Seller, Milyones Raw Ang Nakulimbat Na Pera Galing Sa Kaniyang Investors? | June 26, 2019

by | Posted on: June 26th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Si Ms. Jhen Chua at ang kaniyang mga kapwa investors ay bumalik sa programa ni idol Raffy sa Wanted sa Radyo para makaharap ulit ang online seller na umano’y nanloko sa kanila.


Nasa studio din ang magkapatid na Raquel Rosa at Mae-Lyn Misa ang nirereklamo at umano’y scammer.

Sa pagkakataong ito may mga nadagdag na mga kasamahan ang dalawang panig.

Ang supplier ng mga gadgets at mga iba pang gamit na ibenebenta ni Mae-Lyn sa online na si Precious Joy Alcantara ay dapat sana nasa programa din para makapagsalita din ng kaniyang panig.

Subalit hindi ito sumipot at tila nagtatago na para na din siguro matakasan ang kaso na pinaparatang sa kaniya.

Kung kahapon si Jhen ay naawa sa magkapatid at naniniwala na ang nirereklamo nila ay mga biktima din sa nangyayari ay, sa araw na ito naiba ang kaniyang tono.

Binabawi na ni Jhen ang kaniyang mga sinabi at ito’y galit na galit pati na din ang kaniyang mga kasamahan dahil sila ay may nadiskubre sa social media group chat ng magkapatid at kay Precious.

Ang nangyari raw na iyakan kahapon at pagpapaliwanag ay parang drama lang daw para maitago nila ang kanilang nagawang panloloko.

Panooring ang video na nasa itaas para malaman ang buong istorya.