Si Mr. Muhammad Arslan Athar nagbabalik at sa pagkakataong ito sa isang programa pa rin ni idol Raffy Tulfo siya bumisita sa Wanted sa Radyo para ipagpatuloy ang kaniyang reklamo.
Nung nakaraang pag-uusap nila ni idol Raffy sa Aksyon sa Tangahli, ang gusto ni Arslan ay maibunyag ang mga pinanggagawa sa kaniya ng dating nobya nung sila’y nagsasama pa.
Pero sa panayam ulit sa kaniya ng show host, ang gusto na ng Pakistani national ay makuha ang halaga na nagastos sa annulment ni Rose sa dati niyang asawa at ang pamasahe niya dito sa Pinas.
“Ang gusto kasi ni sir nagbago na isip niya, kanina nasabi niya sa akin gusto niya lang malaman ng buong mundo yung pinanggagawa mo and he’s not after doon sa pera na ibinigay niya na 3.5 milyon pesos in cash and in kind,” paliwanag ni idol Raffy kay Rose na nakikinig sa telepono.
Ang halaga na gustong makuha ni Arslan mula kay Rose ay 300,000 pesos at kapag nasa kaniya na ang pera ay gusto raw niyang ibigay sa charity.
Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.