Heto na ang karugtong ng kuwento ni Ms. Nica Pauline Llamelo na nag-sadya sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo ilang linggo na ang nakakaraan.
Note: The above video is an embed from the official Raffy Tulfo In Action Youtube Channel.
Noong naka-panayam si Nica ni idol Raffy, humihingi ito ng tulong para makasohan ang dati nitong karelasyon na si Michael Periquet.
Ayon sa kaniya sinasaktan daw siya ng dating nobyo at nagkaroon pa ito ng utang sa kaniya. Bukod pa doon, gusto niya rin kasohan si Michael ng child trafficking dahil sa pagdadala daw niya sa mga menor-de-edad sa isang club para magtrabaho.
Subalit sa pagkakataong ito gusto nang iatras ni Nica ang pagsampa ng kaso dahil na din sa kahilingan ng kaniyang ina.
“Tumawag kasi sa akin yung mother ko, sabi niya sa akin patawarin ko na lang daw yung tao,” sabi ni Nica.
“Dahil sila ayaw nila ng magulong buhay sa akin kung kay Mike wala naman halos mawawala. Okay na daw na kabayaran siguro yung nasira siya sa tao, nawalan siya ng trabaho at saka bahay,” pagdagdag pa niya.
Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento.