X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action (Part 4): Pakistani, Pinerahan Lang Daw Ng Pinay Na Karelasyon? | August 16, 2019

by | Posted on: August 16th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Si Muhammad Arslan Athar ay bumabalik sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para ipagpatuloy ang kaniyang reklamo laban sa kaniyang dating nobya.


Sa pagkakataong ito si Rose Corazon Mataac ay nasa studio din ng TV 5 at nagkaroon sila ng face-to-face encounter nang dati niyang naka-relasyon nung nasa Dubai pa siya.

May mga bitbit na mga ebidensya si Rose na nagpapatunay na sinasaktan siya ni Arslan at ayon sa kaniya ito ang naging dahilan kung bakit ayaw niya ng makipagbalikan pa sa naging nobyo.

Subalit itinatanggi ni Arslan ang mga bintang sa kaniya at ayon sa kaniya kung totoo ang mga paratang dapat daw sana nagsumbong si Rose sa Dubai Police.

Hindi nagawa ni Rose na tumawag sa mga autoridad sa Dubai dahil sa pangangamba na baka siya’y madeport sapagkat may batas sa UAE na hindi raw pwede magsama ang hindi mag-asawa.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong detalye ng kwento nila.