X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action (Part 5): Mga Kasamahan Ni Angelika Tumang Sa Pananapak Nakilala Na | August 22, 2019

by | Posted on: August 22nd, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Nandito na ang update ni idol Raffy Tulfo para sa araw na ito (August 22, 2019) hinggil sa grupo ni Angelika Tumang na kung tawagin ay “Smoking Area Group”.


Kahapon, nangako si ido Raffy na gagawin niya ang lahat para mabuwag ang kinikilabotang grupo.

Nag-assign ang show host ng ilan niyang reporter para tutukan ang kaso at para sa kagustuhan na din na mapadali ang pagbigay ng hustisya sa mga biktima.

“Dalawang reporter po ang aking inasign para trabahuhin itong kasong ito and we promise you na magkakaroon ito ng resulta na pabor po doon sa mga binugbog na mga kabataan,” sabi ni Mr. Tulfo.

“Justice will be served, tulad ng pangako ko hindi lang po ako puro salita meron po kaming gawa. Dudurugin ko po itong grupong ito. Luluhod ito sa mga complainant,” sabi pa niya.

Ayon sa field reported ng Raffy Tulfo in Action na si Jill Nebrida, may iilang miyembro ng Smoking Area Group ang nais makapunta sa programa ni idol Raffy para malinis ang kanilang pangalan at welcome naman sila na makapunta.

Ayon pa din sa field reporter, meron pang tatlong bagong biktima ang lumutang at magsasampa din ng kaso sa mga suspects.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong detalye ng kwento.