Nandito na ang update ni idol Raffy Tulfo para sa araw na ito (August 24, 2019) hinggil sa grupo ni Angelika Tumang na kung tawagin ay “Smoking Area Group”.
Nung unang napanayam ni idol Raffy si alyas Julie ay nangako itong ipagamot at matingnan ang kaniyang naramdaman sa kaniyang ulo.
Idinala si alyas Julie sa PRI Medical Center at sa kabutihang palad walang may nakitang sakit sa kaniya.
“Happy to say naman po normal na po lahat wala naman po nakitang brain hemorrhage or kahit ano,” sabi ni nanay Prancella.
Ang pinaka-highlight sa episode na ito ay ang paghaharap ng dalawang panig kung saan nagkaharap sa Angeles City Police Station ang grupo ni Angelika Tumang at kaniyang nobyo na si Nickole Gamboa habang nandoon din ang mga biktima ng kanilang grupo.
Maliban kay Tumang at Gamboa nandoon din sa himpilan ng pulisya ang iba pang kabataan na ka-grupo ng magkasintahan.
Subalit ang mga ito’y itinatanggi na hindi sila kasama sa kilabot na “Smoking Area Group”.
Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang detalye ng kwento nila.