Nakatanggap ng balita ang Raffy Tulfo in Action na si alyas “Linda” kasama ang kaniyang pamilya ay lumipat daw ng bahay.
Iyon daw ay para sila ay magtago at para matakasan ang kanilang kaso na isinampa ni tatay Alexander Gutal.
Minabuti ng Raffy Tulfo in Action team na kausapin si barangay investigator Rodolfo San Jose Jr., tungkol sa haka-haka at sinabi niyang hindi pa ito kumpirmado.
Para malaman ang totoo, pinuntahan ng grupo ni idol Raffy ang bahay ni alyas “Linda” sa Barangay Bambang, Taguig.
Nang nakarating na ang reporter na in-charge sa kaso ni tatay Alexander nadatnan niya ang tatay at na nakausap niya malapit sa gate ng kanilang bahay.
Ayon din sa ama ni alyas “Linda” naroon din ang kaniyang anak.
Nagikot-ikot din ang grupo ng Raffy Tulfo in Action sa lugar at nagtanong-tanong kung anong klaseng kapit-bahay ang nirereklamo ni tatay Alexander.
Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong detalye ng kwento.