Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Picture Na Lang Ni Misis Ang Kapiling Ni Mister Dahil Nakikipaghiwalay Na Sa Kaniya | February 21, 2019

by | Posted on: February 21st, 2019 | No Comments | Public Affairs Program
twitter share button

Si Ian Labe ay bumisita sa programa ng Wanted sa Radyo para ireklamo ang kaniyang misis na si Maria Cecilia Labe na kasalukuyang nasa Abu Dhabi, UAE.

Humingi ng tulong sa programa ni idol Raffy na makausap ang kaniyang asawa at para maliwanagan kung bakit gustong humiwalay sa kaniya.

Ayon kay idol Raffy, napansin niya ang complainant na ito’y malungkot at kasama pa na niya ang picture frame na may larawan ni Maria Cecilia.

Tinanong ni idol Raffy kung ano ang alam niyang dahilan kung bakit iniwan siya ng kaniyang asawa.

“Sabi daw niya sir na sa ninong namin seloso daw ako,” sagot ni Ian.

Para mabigyan ng kaliwanagan, tinawagan din si Maria Cecilia para magbigay ng kaniyang panig.

Ang rason ayon sa misis ay dahil nanakit pala ng asawa si Ian at maliban dun meron din daw problema sa pag-iisip ang kaniyang mister.

Meron daw isang beses na nasa bus si Maria Cecilia at bigla na lang nakita niya si Ian na nasa likurang banda at nakatawa sa kaniya.

“Alam niyo sa amin ng katrabaho ko medyo napapansin din nila na may something talaga siya kasi alam niya na nakaabang yan sa salon namin, tapos uwian na kami naglalakad kami para sumakay ng bus kami ng katrabaho ko, magugulat na lang kami nasa likod siya,” sabi ni Maria Cecilia.

“Nasa likod ko siya tapos biglang sabi namin parang may sumusunod sa atin. Paglingon namin sabi namin o andiyan ka pala hindi ka nagsasalita na sumunod ka pala. Yon at bigla na lang siya tatawa,” pagsasalay ni Mrs. Labe.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang detalye ng kanilang istorya.

Leave a Reply