X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Pinaalis Ni Idol Ang Complainant Sa Studio Na Nagmura Sa Kaniyang Ina | August 14, 2019

by | Posted on: August 14th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Si Ms. Alma Ularte ay bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para humingi ng tulong.


Ayon sa kaniya, kinuha raw ng kaniyang dating ka live-in partner ang mga anak niya at gusto niya itong bawiin.

Ang panganay niyang anak ay pitong taong gulang na at ang pangalawa ay limang taong gulang.

Para sa kaniyang limang taong gulang na anak, nangangako si idol Raffy na madali itong mabawi dahil sa batas na kapag ang bata ay six years-old and below ay automatic mapupunta sa nanay subalit sa panganay hindi magiging instant ang pagkuha dahil nasa seven years-old na at may mga proseso na dapat gawin.

Para makapagbigay din ng kaniyang panig, tinawagan ng programa si Mr. Danilo Bantang ang dating karelasyon ni Alma.

Dito nalaman na meron pa lang ibang lalaki na pinapunta si Alma sa kaniyang bahay at ito’y peligro sa mga bata ayon sa tatay ng mga bata.

Tinawagan din ng programa ang nanay ni Alma para mapakinggan din ang kaniyang saloobin sa sitwasyon ng kaniyang anak.

Dito nalaman na may isang beses na minura ni Alma ang kaniyang ina dahil nasagad daw siya.

Kilala si idol Raffy na maka-nanay sa kaniyang programa. Sa kaniyang napakinggan na iyon walang kaabog-abog pinalabas niya ang complainant sa studio ng TV5 at nag-advice sa kaniyang team na huwag ng tulungan sa kaniyang problema higgil sa kaniyang dalawang anak.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong detalye ng kwento.