Si Mr. Jerome Bayra bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para humingi ng tulong para maka-usap ang kaniyang mga magulang.
Gusto niyang huminigi ng tawad lalo na sa kaniyang ama sa mga nagawa niyang kasalanan at dahil na din sa kagustuhan niya ng maka-uwi sa kanila.
Ayon kay Jerome nag-layas siya sa kanilang bahay nung graduating siya sa high school at ngayon ay 27-years-old na siya.
Itinanong siya ni idol Raffy kung ano ang kaniyang nagawang kasalanan at dito inako ng panauhin na nagnakaw pala ito noon ng isang electronic item sa isang opisyal ng kanilang barangay.
Akala nung una ni idol Raffy na parang kinuha lang ni Jerome ang gamit sa barangay hall yun pala nan-loob ito.
At hindi lang pala yun, nagnakaw din siya ng TV mula sa kapatid ng kaniyang ama.
Dahil sa mga nagawa ni Jerome nagpasya na si idol Raffy na hindi na ito tulungan.
Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang kanilang buong istorya.