X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Sa Kaniyang Sobrang Kabaitan, Si Sir Iniiwan | May 14, 2019

by | Posted on: May 14th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Si Ms. Ma. Cecilia ay bumisita sa programa ni idol Raffy sa Aksyon sa Tanghali para ireklamo ang kaniyang nakarelasyon.


Ayon sa kaniyang reklamo, ang kaniyang dating nakalive-in partner na si Joselito Calma ay nanggugulo sa kaniya dahil hindi raw ito maka-move on.

Nagbanta pa daw si Joselito na sasabuyan siya ng asido.

“Ngayon po, pumunta siya doon sa bahay ng tita ko akala ko makikipag-usap lang po siya. Tapos po, naanuhan niya po ako, nasaktan niya po ako,” paliwanag ni Ma. Cecilia sabay pagpapakita ng galos sa kaniyang mukha.

Subalit itinatanggi ni Joselito ang lahat ng mga paratang na ibinabato sa kaniya.

Nabanggit din ng nirereklamo kung ano ang naging ugat na kanilang away at iyon daw ay may iba ng kinakasama si Ma. Cecilia.

“Nahuli ko po siyang may lalaki na foreigner. Kaya po siya gumawa ng ganiyan gusto po niya makalaya na sa akin,” sabi ni Joselito.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.