Si Rimuele dela Vega ang lalaking pina-mariang palad ng kaniyang pinaniniwalaang kasintahan na nakilala lamang sa social media ay nagkaroon ng face-to-face sa programa ni idol Raffy sa Wanted sa Radyo.
Lumantad ang may-ari ng picture na si Mary Maine para linisin niya ang kaniyang pangalan at gusto niya rin malaman ng publiko na siya ay isa ring biktima sa nangyari. Kasama ni Ms. Maine ang kaniyang asawa ng humarap sila kay Rimuele.
Naitanong ni idol Raffy kung paano nakuha at kung saan nangaling ang mga pictures niya na ginamit ng nagtatagong poser sa kaniyang panloloko.
“Sa mga album ko po. Siguro po noong ano naka-public po yung mga pictures ko,” sabi ni Mary Maine.
“Kasi dati pa po yung mga pictures ko nung dalaga pa ako nun, 18-years-old pa po ako,” pagdagdag pa niya.
Sa pagbisita ni Mary Maine ay may dala siyang magandang balita dahil meron siyang impormasyon para matuntun ang tunay na salarin. Nakipag-chat daw sa kaniya ang poser na manloloko.
Umamin raw sa kaniya ang isang nag-ngangalang “Poy” at humingi ng kapatawaran sa kaniyang nagawa.
“Humihingi po siya ng tawad. Tapos po, nagawa niya raw lang po yun kasi gusto daw po niyang parang gusto niyang ipakita na girlfriend niya daw po ako,” pagpapaliwanag ni Mary Maine.
Panoorin and video na nasa itaas para malaman ang buong istorya nila.