X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Si Girl May Karelasyon Na Lesbian, Nanay Nangagalaiti | June 27, 2019

by | Posted on: June 27th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Ang mag-asawang Rodolfo at Lerma Orcullo ay nagtungo sa programa ni idol Raffy sa Wanted sa Radyo para ireklamo ang kanilang anak na sumama sa isang lesbian.


Bago magpatuloy ang show ipinaliwanag ni Mr. Tulfo sa mga magulang ni Rachel Orcullo na walang batas silang mahanap kung saan pwede nilang kasuhan si Hazel Tormis.

“Tay, Nay yung inyong anak po ay nasa tamang edad. So since siya po nasa tamang edad may karapatan na po siya na gumawa ng saliring desisyon niya para sa sarili,” sabi ni idol Raffy.

“At since siya po ay nasa tamang edad na, wala pong batas na pwede nating mahanap, magamit natin na kakampi para makasuhan itong si Hazel,” sabi pa niya.

Si Rachel ay nasa tamang edad na (25-year-old) at pwede na siyang mag-desisyon para sa kaniyang saliri lalong lalo na sa pag-ibig.

Subalit si nanay Lerma ay galit pa din sa relasyon ng dalawa sapagkat gusto niya na ang maging kasintahan ng kaniyang dalagang anay ay isang lalaki.

“Wala akong gusto diyan, wala talaga akong gusto diyan, mag-asawa ka ng lalaki,” sabi ng nanay ni Rachel sa kaniya.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong istorya nila.