Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Si Kabit Ang Nagbibigay Ng Budget Kay Legit? | March 26, 2019

by | Posted on: March 26th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program
facebook share button twitter share button

Si Mrs. Marites Dimatulac bumisita sa show ni idol Raffy Tulfo na Wanted sa Radyo para ireklamo ang kaniyang OFW na mister na hindi na umuuwi sa kanilang bahay.

Ayon sa kaniyang reklamo, March 8 pa daw nakauwi ang kaniyang mister na nagtratrabaho bilang seaman. Imbis na dumiritso sa kanilang bahay, ang bahay ng kabit ang kaniyang inuwian.

Nalaman ito ni Marites dahil nakita niya umano sa fb post ng GF ng kaniyang mister.

Itinanong ni idol Raffy kung meron siyang ebidensya na pinaghahawakan para mapatunayan ang kaniyang alegasyon.

Well prepared ang complainant at may dala itong mga screenshots na kuha sa cellphone ng kaniyang asawa.

Nang ibinigay niya ito kay idol Raffy, tila siya’s na-shock sa kaniyang nakita. Subalit hindi niya pwedeng maipasilip baka mapagalitan sila ng MTRCB.

Napag-usapan din ang issue ng sustento at dito din napag-alaman na merong isang beses na dumaan pa sa kabit ang pera na para sa kanilang family budget.

“Yung sustento niya nitong February pinadaan niya sa kabit, at yung kabit ang nag-send sa akin,” paliwanag ni Marites.

Panoorin ang video sa itaas para malaman ang kanilang buong istorya.

Leave a Reply