Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Si Kabit Ang Prime Suspek Sa Pagpaslang Sa Kaniyang Misis | March 7, 2019

by | Posted on: March 7th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program
facebook share button twitter share button

Si Sherwin Pang nagtungo sa programa ni idol Raffy Tulfo na Wanted sa Radyo para ireklamo ang isang OFW na umano’y nagpaslang sa kaniyang kapatid.

Ayon sa kaniyang sumbong, noong February 28 nangyari ang krimen sa may barangay Bantug, Roxas, Isabela.

Ang pangalan ng suspek ay si Vina Rose Santiago na isa raw na OFW na nagtratrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon din sa istorya, si Vina Rose ay umalis ng bansa noong March 2 para na din siguro matakbohan niya ang kaniyang nagawang krimen.

Ang kaniyang balik sa Riyadh ay naka-schedule pa sana sa March 3 pero para maiwasan ang humahabol sa kaniya, nagtungo na ito sa airport isang araw bago ang kaniyang lipad balik sa bansa kung saan siya nagtratrabaho.

“Imbis po na aalis siya ng March 3 ginawa niya po March 2 nag-istay na siya sa airport at nag-abang po ng chance passenger po siya. Bumili po siya ng ibang ticket at nakalipad po siya nung March 2,” sabi ni Major Engelbert Bunagan (Chief of Police ng Roxas, Isabela).

Para maliwanagan, tinawagan din ni idol Raffy ang asawa ni Christine Diego (ang biktima) na si Darius Diego.

Inamin din ni Darius na nagkaroon siya ng relasyon sa suspek. Subalit kinalaonan pinili niya ang kaniyang pamilya.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento.

Leave a Reply