Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Sports Lang Si Misis, Imbis Kasuhan Si Mister Pinapili Kung Siya O Si Number 2 | February 11, 2019

by | Posted on: February 11th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Si Ms. Anna Comighod bumisita sa programang Wanted sa Radyo para humingi ng tulong para makausap ang kaniyang mister.

Ayon sa complainant, gusto niyang papiliin ang kaniyang mister kung sino ang kaniyang pipiliin, siya ba o ang kabit para matuldokan na ang lahat.

“Gusto ko po siyang mamili kasi dinala ko na sila sa pulis sa barangay di naman ako tinanggap sabi ko pa nga po hangga’t maari ayaw ko pong humantong na lumapit dito,” sabi ni Anna.

“Kasi nga po gusto ko makipag-ayos pati yung magulang na makipag-usap ho sa barangay malapit sa kanila at gumawa po kami ng kasunduan. Kasi nga po ayaw din namang makipagtulungan ng magulang, yung asawa ko po ayaw mamili. Gusto ko lang po mamili siya kung kanino siya magfo-focus,” paliwanag pa niya.

Subalit habang siya’y nagsasalita, tila pinagpapreno muna siya ni idol Raffy kasi parang hindi tama ang kaniyang desisyon.

Advise sa kaniya ni idol Raffy na do not make a desisyon when you’re emotional or when you’re angry.

Pinaliwanag din sa kaniya ang maging resulta kung ang pipiliin ay si number two.

“OK nga lang po sa akin yun sa akin sir,” sagot ni Anna.

Napahanga tuloy ng complainant si idol Raffy dahil sa kaniyang naging sagot.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong detalye ng istroya nila.

Leave a Reply