X

Trust and transparency is important to us.

It takes a lot of work to build, maintain, and improve a site like this and all the wonderful content you're about to enjoy. We and third parties use tech like cookies to make this happen.

By continuing, you consent to the use of these technologies, and affirm you're at least 16 years old or have consent from a parent or guardian.

Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Super Martir Si Mister Pero Si Misis Salawahan | April 27, 2019

by | Posted on: April 27th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program

Bumisita si Mr. Fernando Ilao sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Aksyon sa Tanghali para ireklamo ang naging ka relasyon ng kaniyang misis.


Ayon sa kaniyang reklamo, kinakalat daw ni Mr. Fernando Tamo Jr., sa social media ang pribadong video kasama ang kaniyang misis.

Para malinawan, tinawagan ang taong nirereklamo para makapagbigay ng kaniyang panig.

Tinanong siya ni idol Raffy kung ano ang kaniyang dahilan bakit nagawa niyang ikalat ang hubad na larawan ni Ma. Dahlia Ilao.

“Ganito po kasi sir eh, di ko alam na may asawa yan. Tapos nagsama po kami sa Pilipinas hindi ko po alam na may asawa talaga siya na ano hindi sinasabi. Ipinakilala ko na sa mga anak ko yan at saka sa pamilya ko,” sabi ni Mr. Tamo Jr.

Naungkat din na nagpapadala umano si Mr. Tamo sa asawa ng complainant ng pera at umabot pa ito sa 500,000 pesos.

Pero imbis na pag-usapan ang pinadalang pera ibinalik ni idol Raffy ang istorya tungkol sa mga pinagkakalat na hubad na larawan at doon mas pinaliwanag na ni Mr. Tamo Jr., ang dahilan.

“Ganito po sir, sa sobrang galit ko,” sagot ni Mr. Tamo Jr.

Hindi natapos ang kanilang issue sa Aksyon sa Tanghali at ito’y pinagpatuloy sa Wanted sa Radyo.

Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.