Pinoy Box Break

Raffy Tulfo In Action: Teacher Sa Tondo National High School Nanghalay Raw Ng Estudyante? | February 13, 2019

by | Posted on: February 13th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program
twitter share button

Si Salvador kasama ang kaniyang anak ay bumisita sa programa ng Wanted sa Radyo para isumbong ang isang guro na si Westley Cleofas na nagtuturo sa Tondo National High School.

Reklamo ng mag-ama ay ang panghahalay ng guro na tatlong beses daw na-ulit dahil na rin daw sa pagbabanta nito sa kaniya.

Ayon sa dalagita, unang nangyari ang panghahalay ni Westley Cleofas sa kaniya nung October 18 at nangayari ulit ng dalawang beses ngayong January.

Pagdadag pa ng complainant, napag-alaman din nila na bukod pa sa kaniya ay meron na din palang ginawang ‘di maganda ang guro nung siya’y nagtratrabaho pa sa ICC.

“Tapos po sabi po nang mga kaklase namin na nag-ojt po sa ICC meron din daw pong estudyante na ginanito siya dahil din po sa research,”

Binigyan din ng pagkakataon ni idol Raffy na maka-usap ang titser na nanghalay sa kaniyang anak at para din ito makapag-labas ng sama ng loob.

“Anong klaseng titser ka?” tanong ni Salvador kay Westley. “Nagpapakahirap kami magpa-aral sa mga anak namin para makapag-graduate sila, bakit ganoon? Dinadala mo sila sa beerhouse ba’t mo inaano pinapa-inom mo yung mga bata, bakit mo pinipilit mo yung mga bata mag-inom tapos dadalhin mo sa motel, anong klaseng titser ka?”

Habang nagsasalita si Salvador si idol Raffy naman ay tila di mapakali dahil din sa kaniyang mga naririnig sa tatay ng dalagita.

Panoorin ang buong video sa itaas para malaman ang buong detalye ng kanilang istorya.

Leave a Reply