
Mga trabahante ng Ta-Ala Farms na naka base sa Bacolod City, Negros Occidental ay bumisita sa programa ni idol Raffy Tulfo na Wanted sa Radyo.
Ang reklamo nila ay ang mababang pasahod na hindi umaabot sa minimum wage para sa mga mamayan na nagtratrabaho sa Bacolod City.
Ayon sa research team ng Raffy Tulfo in Action, ang minimum wage sa Bacolod ay 365 pesos pero ayon kay Mr. Lauriano Lontes Jr. at kaniyang mga kasamahan, ang tinatanggap lang nila ay 179 pesos kada araw.
Pina-compute ni idol Raffy sa kaniyang mga staff at lumalabas na ilan sa kanila ay posibleng makakuha ng humigit-kumulang ng isang milyon dahil sa tagal na nila sa serbisyo.
Tinawagan ng host ng programa ang DOLE Bacolod para humingi ng tulong at sila naman ay pinaunlakan ni Mr. Joebert Carreon and Focal Person, Labor Standards DOLE Bacolod.
Panoorin ang buong kwento sa itaas para malaman ang buong detalye.