Bumisita si Mr. Erwin Saludes sa programa ni idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo para ireklamo ang kaniyang misis.
Si Mr. Saludes ay nagtratrabaho bilang isang OFW sa Korea at ayon sa kaniyag reklamo si misis niya na si Mrs. Jessica Saludes ay marami daw itong lalaki.
Pinagbigyan ni idol Raffy na mag-usap ang mag-asawa sa programa para na rin mapakinggan ang kanilang mga panig.
Si Mrs. Saludes ay nagmagmamakaawa sa kaniyang mister na bigyan siya ng last chance at para na din sa kanilang mga anak.
Subalit si Erwin ay tila buo na ang loob at handa ng sampahan ng kaso ang kaniyang misis para tuloyan ng mapawalang bisa ang kanilang kasal.
Para pagtibayin ang kaniyang sumbong may mga bitbit si Erwin na mga ebidensya na magpapatunay na may kalaguyo nga ang kaniyang misis.
Isa sa mga ebidensya ay ang litrato kung saan makikita na si Jessica ay kasama ang kaniyang boyfriend pati na din mga naging conversation nito sa cellphone.
Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong kwento nila.