Inaanyayahan ni idol Raffy Tulfo sina Claudine, Marjorie at Gretchen Barretto sa kaniyang programa sa Wanted sa Radyo at susubukin niyang pagbatiin ang magkakapatid.
Naging laman ngayon ng mga pahayagan lalong-lalo na sa social media ang alitan ng mga Barretto sisters.
Ito’y natalakay sa Wanted sa Radyo ng ibahagi ni Sharee Roman na si Gretchen Barretto ay nag-follow sa instagram account ni idol.
Si idol Raffy ay kilala na meron din mga sikat na mga kapatid at naiintindihan niya ang tinatawag na sibling rivalry.
“Yung away ng magkakapatid natural lang talaga ‘yan. Nangyayari ‘yan sa napakaraming magkakapatid, sibling rivalry ang tawag diyan,” sabi ni Mr. Tulfo.
“Pero hindi natin basta-basta mapag-ayos iyan ng ganung-ganoon lamang. Kasi marami ang nagtatangkang pag-ayosin sila balita ko pero hindi naging successful kasi malalim yung pinag-uugtan ng problema eh,” sabi pa niya.
Isa sa mga paraan ni idol Raffy na makakatulong mapag-ayos ang magkakapatid ay kung mailabas na nila sa isa’t isa ang kanilang sama ng loob.
Hinalintulad ni idol Raffy sa isang kaso na kanila din na inaksyonan tungkol sa mag-tiyo na kung saan, matapos maibuga ang mga sama ng loob ay nagkabati din sa huli.
Panoorin ang video na nasa itaas para malaman ang buong detalye ng kwento nila.