Pinoy Box Break

Loading...
Loading...

Raffy Tulfo Nagbigay Ng Update Sa Status Nina Charlie Lozada, Sheerlyn Gerasta At Edwin Madredio

by | Posted on: February 15th, 2019 | No Comments | Viral Stories
facebook share button twitter share button

Si idol Raffy Tulfo ay nagsalita na hingil sa status nina Charlie Lozada at ang asawa nitong si Sheerlyn Gerasta at ang kaniyang Engineer na si Edwin Madredio.

Heto na siguro ang pinaka-viral na istorya na tinutukan ng programang Wanted sa Radyo at sa dami na nagsusulputan na mga sequels sa internet, si idol Raffy na mismo ang nagbigay ng mga bagong detalye.

“Pumunta ako sa Mati sa Davao lahat ng nakasalubong ko tinatanong ako ng update, bibigyan ko kayo ng update,” sabi ni Mr. Tulfo.

Ayon kay idol Raffy si Charlie daw ay meron ng bagong girlfriend at ipinakilala na daw ito sa kaniyang mga anak. Maliban pa dun, ang pera na ibinigay ng Raffy Tulfo in Action kay Charlie ay ginamit niya para puhunan sa kaniyang online business at meron pa siyang puwesto sa isdaan.

Habang si Sheerlyn naman daw at si Edwin ay nagsasama na at nakatira sa tiyahin ng lalaki.

Ang problema ngayon kung bakit wala ng habol si Charlie kay Sheerlyn ay dahil ang kanilang kasal ay hindi na rehistro sa NSO.

“Ito masakit dito, dahil walang records sa NSO na magpapatunay na itong si Charlie at saka si Sheerlyn ay kasal,” sabi ni idol Raffy.

Loading...

Leave a Reply