Pinoy Box Break

Raffy Tulfo Pinuri Si PO1 William Cristobal Ang Pulis Na Tinapunan Ng Taho Ng Isang Chinese National

by | Posted on: February 13th, 2019 | No Comments | Public Affairs Program
facebook share button twitter share button

Pinuri ni Raffy Tulfo si PO1 William Cristobal ang naka duty nung Lunes sa MRT3 na tinapunan ng isang cup ng taho ng isang Chinese national.

Sabi ni idol Raffy, napahanga siya sa pulis dahil sa kaniyang pagiging pasensyoso at ginawa niya yung tama.

“Ang aking pong paghanga at labis-labis na pasasalamat kay PO1 William Cristobal dahil bukod sa naging pasensyoso siya sa kabila nung ginawa sa kaniya pamamahiya pang-iinsulto hagisan siya ng taho naging pasensyoso siya at ginawa nya yung tama,” sabi ni Mr. Tulfo.

Bukod pa dun sa babaeng Chinese, tinalakay din ni idol Raffy ang iba pang Chinese national na nagne-negosyo sa Pilipinas kung saan ang iba sa kanila ay inaapi ang kanilang manggagawang Pilipino.

Sa segment din na ito, ipinakita ng programang Wanted sa Radyo ang video ni Jiale Zhang nung siya inaresto ng Bureau of Immigration. Makikita din sa video kung saan nagsalita ang abogado ni Zhang na ang mission order daw ay illegal.

Dinepensahan naman ni idol Raffy ang mga tauhan ng BI sa kaniyang programa na walang illegal sa kanilang ginagawa.

“Anong naging illegal diyan?” Tanong ni Mr. Tulfo. “Eh may mission order na eh itong attorney talaga eh magkano bang salapi ang tinapal sa mukha mo? Kakampihan mo pa ang dayuhan kaysa sa kapwa nating pinoy,” padagdag pa niya.

Panoorin ang buong video na nasa itaas para malaman ang buong detalye ng istorya.

Leave a Reply